Pinangunahan ng DILG Romblon ang inagurasyon ng bagong Water System Project sa bayan ng Ferrol sa ilalim ng FY 2024 Local Government Support Fund – Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (LGSF-SAFPB). Ang seremonya ay ginanap noong Miyerkules, Setyembre 3, na sinimulan sa pamamagitan ng pagbabasbas at ribbon-cutting.
Dumalo sa aktibidad sina DILG Romblon Provincial Director German F. Yap, CESO V, Mayor Christian Ll. Gervacio, at mga kinatawan mula sa DILG MIMAROPA PDMU na sina OIC-Chief Engr. Victorino R. Ibanez Jr., Engr. Jona Val Casidsid, at PEO II Mikaela Jean M. Mendezabal, kasama ang mga opisyal ng LGU Ferrol.
Ang proyektong ito ay patunay sa patuloy na pagtutulungan ng DILG at mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng tapat, episyente, at makataong pamamahala para sa kapakanan ng bawat mamamayan.















