𝗥𝗘𝗙𝗥𝗘𝗦𝗛𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘-𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Matagumpay na sumailalim sa Strategic Leadership for Good Governance: Refresher Course ang mga Re-Elected Officials ng Occidental Mindoro, na ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila mula Agosto 14 hanggang Agosto 15.

Dumalo sa dalawang araw na pagsasanay ang mahigit 90 na mga mayor, vice mayor, at mga Sangguniang Bayan members bilang bahagi ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO Plus+++) program. Ang layunin ng programang ito ay ihanda ang mga bagong halal na opisyal sa mas responsableng pamumuno at mas epektibong pamamahala.