Matagumpay na sumailalim sa Strategic Leadership for Good Governance: Refresher Course ang mga Re-Elected Officials ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa, na ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila mula Agosto 12 hanggang Agosto 14.
Dumalo sa dalawang araw na pagsasanay ang mahigit 140 na mga mayor, vice mayor, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod/Pambayan members bilang bahagi ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO Plus+++) program. Ang layunin ng programang ito ay ihanda ang mga bagong halal na opisyal sa mas responsableng pamumuno at mas epektibong pamamahala.















