Nagsilbing Panauhing Pandangal at Tagapagsalita si Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III sa ika-34 Taong Anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isinagawa sa Casa Felar, Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong Martes, Agosto 12.
Bahagi ng nasabing aktibidad ang paggawad sa mga natatanging kawani at yunit ng BFP MIMAROPA na nagpamalas ng ng kahusayan at dedikasyon sa kanilang serbisyo.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni RD Rimando ang walang kapantay na katapangan at dedikasyon ng mga bumbero, na siyang dahilan kung bakit patuloy silang tinatangkilik at pinagkakatiwalaan ng komunidad.
βSa bawat henerasyon, sa bawat kwento ng kabayanihan, at sa bawat buhay na inililigtas ninyoβkayo ay tunay na Pambansang Bumbero. Hindi kayo hinahangaan lamangβkayo ay pinagkakatiwalaan. Kayo ay pinagmamalaki. Kayo ay mga bayani ng ating panahon,β saad ni RD Rimando.















