Matagumpay na isinagawa ng DILG MIMAROPA katuwang ang Local Government Academy (LGA) ang Strategic Leadership for Good Governance: Introductory Course for Newly-Minted Officials ng MIMAROPA na ginanap sa The Heritage Hotel, lungsod ng Pasay mula Agosto 5 hanggang Agosto 7.
Nasa 220 na mga newly-minted Mayors, Vice Mayors at Sangguniang Bayan Members ang lumahok sa nasabing programa na bahagi ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service o NEO Plus +++ na naglalayong ihanda ang mga bagong halal na opisyal para sa responsableng pamumuno at epektibong pamahalaan.
Pinangunahan ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III ang pagtalakay ng iba’t ibang paksa na kinakailangang matutunan ng mga bagong halal na opisyal.
Samantala, nagtapos naman ang nasabing programa sa isang mensahe mula kay Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV.















