Pinangunahan ng DILG Bureau of Local Government Supervision- Recognition and Awards Division (BLGS-RAD) katuwang ang DILG MIMAROPA ang 2025 Cluster Re-Orientation Program ng Civil Society Organizations and Peopleβs Participation Partnership Program (CSO/PPPP) at mga aktibidad na may kinalaman sa LTIA, CSO Accreditation, at Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) na ginanap sa Citystate Asturias Palawan Hotel sa Puerto Princesa, Palawan mula Marso 24 hanggang 28, 2025.
Dinaluhan ito ng mga focal persons mula sa DILG Luzon Cluster Regions, kasama na ang mga partner Learning Resource Institutes (LRIs) mula sa Palawan State University, University of Cordilleras, at Southern Luzon State University – Lucban Campus, para sa isang linggong serye ng refresher sessions.
Bilang panimula, nagbigay naman ng mensahe sina BLGS Director Debbie Torres at DILG MIMAROPA Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV sa nasabing programa.
Sa ilalim ng CSIS program, ang mga kalahok ay tinuruan ng mga pinahusay na pamamaraan sa pangangalap ng datos at pagsusulat ng mga ulat, sa pangunguna ng mga eksperto sa larangan na sina Ginoong Paul Anthony L. Tecson at si Ginang Ophelia L. Ramirez.
Sa sesyon naman ng LTIA, ipinaliwanag sa mga DILG focal persons ang mga pinakabagong update tungkol sa pagpapatupad ng LTIA sa 2026.
Bilang panghuli, tinalakay naman ang quality procedure ng APMV upang maging mas malinaw ang proseso nito.















