𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗗𝘀, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟰

Dumalo si DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III kasama ang iba pang mga Panrehiyong Direktor sa pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit 2024 na ginaganap sa Philippine International Convention Center, Lungsod ng Pasay, ngayong araw, Agosto 19 na magtatapos sa Agosto 21, 2024.

Sa nasabing programa, ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na katuwang sa pag-abot ng mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.

Tatalakayin sa dalawang araw na Summit ang mga paraan para mapabuti pa ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa paghatid ng serbisyo at programa deretso sa mga komunidad.