𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗣𝗗𝗘𝗩 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗦𝗢 𝗗𝗘𝗦𝗞 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡

Isinagawa ng DILG MIMAROPA sa pamamagitan ng Local Government Capacity Development Division (LGCDD) ang Capacity Development on Strengthening CSO Desk Officers in MIMAROPA na ginanap gamit ang Zoom Teleconferencing mula Agosto 5 hanggang 6.

Layon nitong mapalawak ang kaalaman at mapalakas ang kakayahan ng mga CSO Desk Officers sa paghawak ng mga isyu na may kinalaman sa CSO sa kanilang kinabibilangang LGU.
Sa mensahe ni Division Chief Ma. Teresita Iglesia, pinasalamatan niya ang lahat ng CSO Desk Officers sa kanilang paglahok at hangad niya na makapagbahagi ang bawat isa ng mga pananaw, at iba’t ibang pamamaraan upang higit pang palakasin ang partisipasyon ng mga CSO.

Naging tagapagsalita sina LGOO V Analyn Bucayu at DMO IV Susan May Granada ng DILG MIMAROPA, Instructor I Katrina De Mesa ng Marinduque State University, at Component Lead Dr. Divina Luz Lopez at City Governance Coordinator Jedel Tabamo ng USAID-Change Project.