Matagumpay na sumailalim sa Strategic Leadership for Good Governance: Refresher Course ang mga Re-Elected Officials ng Oriental Mindoro, na ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila mula Agosto 18 hanggang Agosto 19.
Naging panauhin sa nasabing aktibidad si Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mga good local governance initiatives noong siya ay nanungkulan bilang alkalde ng Odiongan.
Dumalo sa dalawang araw na pagsasanay ang mahigit 70 na mga mayor, vice mayor, at mga Sangguniang Bayan members bilang bahagi ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO Plus+++) program. Ang layunin ng programang ito ay ihanda ang mga bagong halal na opisyal sa mas responsableng pamumuno at mas epektibong pamamahala.















