𝗑𝗔𝗣𝗖 𝗔𝗧 π——π—œπ—Ÿπ—š π— π—œπ— π—”π—₯𝗒𝗣𝗔, π—‘π—”π—šπ——π—”π—’π—¦ π—‘π—š π—§π—˜π—–π—›π—‘π—œπ—–π—”π—Ÿ 𝗖𝗒𝗒π—₯π——π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘ π— π—˜π—˜π—§π—œπ—‘π—š 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—£π—’π—©π—˜π—₯𝗧𝗬 π—₯π—˜π——π—¨π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—”π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—£π—Ÿπ—”π—‘π—¦

Isinagawa ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), sa pamamagitan ng Local Affairs Coordinating and Monitoring Service (LACMS), ang isang Technical Coordination Meeting kasama ang DILG MIMAROPA sa DILG Regional Office, Quezon City nitong Martes, Agosto 5.

Malugod namang tinanggap ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III sina Undersecretary Esnaen M. Catong, Division Chief Alfredo M. Antonio, at iba pang mga kawani sa kaniyang tanggapan.

Layunin ng pulong na talakayin ang mga paghahanda para sa pagbuo ng Provincial/Local Poverty Reduction Action Plans (P/LPRAP), upang matiyak ang tamang implementasyon ng limang pangunahing karapatan ng mga mahihirapβ€”sapat na pagkain, disenteng trabaho, de-kalidad na edukasyon, maayos na pabahay, at pinakamataas na antas ng kalusuganβ€”alinsunod sa Republic Act No. 11291 o ang Magna Carta of the Poor.

Kabilang sa mga tampok na inilahad sa pagpupulong ang pagsasagawa ng Provincial-level Technical Coordination Meetings (TCMs) kasabay ng MCP-LPRAP Orientation-Seminars para sa mga DILG Field Officers (MLGOOs) at Local Planning and Development Coordinators (P/C/MPDCs). Gayundin, nakatakda ang mga MCP-LPRAP Formulation Workshops para sa mga LGU sa mga piling lalawigan.

Read more…