Naging bahagi ang DILG MIMAROPA, sa pamamagitan ni PDMU OIC Engr. Victorino R. Ibanez Jr., sa isinagawang Project Validation ng mga nasirang imprastraktura sa bayan ng Lubang, Occidental Mindoro mula Hunyo 16 hanggang 18, 2025.
Ang pagsusuri ay isinagawa sa walong ( 8 ) proyektong pang-imprastraktura na apektado ng Bagyong ‘Kristine’ at iba pang kalamidad, partikular na ang mga proyektong flood control at seawall.
Ang Regional Project Validation and Evaluation Team (RPVET), na binubuo ng mga kinatawan mula sa DILG, DPWH, OCD, at DENR-MGB MIMAROPA, ay bumuo rin ng mga ulat na magsisilbing gabay sa pagtukoy ng angkop na mga hakbang at interbensyon upang matugunan ang mga natukoy na isyu.
Batay sa isinagawang pagsusuri ng inspection team, natuklasang may mga problema ang lahat ng proyekto kung kaya isinama ang mga ito sa mga inirerekumendang proyekto para sa pagsasaayos at rehabilitasyon.















